US Sec. Blinken, Foreign Sec. Manalo,  nagkausap ukol sa mga panibagong aksiyon ng Tsina sa SCS

Tinawagan ni US Secretary of State Antony Blinken si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo kasunod ng panibagong pangyayari sa Ayungin Shoal noong June 17 kung saan nasugatan ang mga sundalo ng Philippine Navy at napinsala ang mga barko ng Pilipinas.

Sa post sa X ni US Department of State Matthew Miller, sinabi na pinag-usapan nina Blinken at Manalo ang mga tumitindi at mapanganib na aksiyon ng Tsina sa South China Sea.

Muling namang pinagtibay nina Manalo at Blinken ang kahalagahan ng alyansa ng Pilipinas at Amerika para mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon ng Indo-Pasipiko.

“Secretary Blinken emphasized that the PRC’s actions undermine regional peace and stability and underscored the United States’ ironclad commitments to the Philippines under our Mutual Defense Treaty.  The Secretaries also exchanged views on how to build on momentum from recent high-level bilateral engagements on issues of shared concern ” ani Miller.

Iginiit ni Blinken na pinahihina ng mga hakbangin ng Tsina ang kapayapaan sa rehiyon. Muli ring tiniyak ni Blinken ang “ironclad” commitment ng Amerika sa ilalim ng Mutual Defense Treaty (MDT).

Wala pang pahayag ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa iba pang detalye ng pag-uusap ng dalawang opisyal.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *