Eroplano , nag-overshoot sa runway ng Busuanga Airport

Nag-overshoot sa runway ng Busuanga Airport ang De Haviland dash 8-400 Aircraft ng Philippine Airlines noong linggo ng hapon.

Sinabi ni PAL Spokesman Cielo Villaluna na ang 86-seater turboprop aircraft ay nag-take off mula mactan airport bandang 1:44pm at lumapag sa Busuanga Airport bandang 2:51pm nang mawala ito sa runway.

bandang 3:40pm, ligtas na nakaalis sa eroplano, at walang naiulat na pinsala mula sa 53 pasahero at apat na flight crew.

Idinagdag ng pamunuan ng airline na nakikipagtulungan sila sa mga awtoridad ng paliparan para maibalik ang normal na operasyon sa Busuanga Airport.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *