Resulta ng 2024 Shari’ah Bar Exams, ilalabas ng Korte Suprema ngayong araw

Nakatakdang ianunsiyo mamayang Ika-2:00 ng hapon ng Korte Suprema ang mga pumasa sa 2024 Shari’ah Bar Exams (SBE).

Isinagawa ang pagsusulit noong Abril 28 at Mayo 2, 2024 sa University of the Philippines (UP), Diliman at sa Ateneo De Davao University.

Ayon sa Korte Suprema, ang 2024 SBE ang unang pagkakataon na ginawang computerized at regionalized ang eksaminasyon.

Ito rin ang may pinakamaraming bilang ng examinees na 878 mula noong 1983.

Sa nakaraan ay kada dalawang taon idinadaos ang SBE pero ito ay gagawin na taun- taon simula ngayong 2024.

Moira Encina- Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *