DFA nanawagan sa mapayapang paglilipat ng kapangyarihan sa Bangladesh

Umapela ang Department of Foreign Affairs (DFA) nang mapayapa at maayos na paglilipat ng kapangyarihan sa Bangladesh, kasunod ng pagbibitiw ni Prime Minister Sheikh Hasina.

Ayon sa DFA, mahigpit nitong binabantayan ang mga nagaganap sa Bangladesh.

Una nang itinaas sa Alert Level 1 ng DFA ang sitwasyon sa Bangladesh batay sa rekomendasyon ng Philippine Embassy sa Dhaka, kasunod ng mga protesta at karahasan.

Tiniyak ng DFA na handa ang embahada at ang buong gobyerno ng Pilipinas na tulungan ang mga apektadong Pilipino sa kaguluhan sa Bangladesh.

Ipinaabot din ng DFA ang pakikiisa nito sa mga mamamayan ng Bangladesh at sa mga hakbangin para maibalik ang kapayapaan sa nasabing bansa.

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *