Barko ng CCG bumangga sa 2 barko ng PCG sa Escoda Shoal
Kinumpirma ng National Task Force for the West Philippine Sea ang nangyaring insidente sa Escoda shoal kung saan sangkot ang barko ng Philippine at China Coast Guard.
Sa isang pahayag, sinabi ng task force na nakaranas ng agresibong manuevering mula sa mga barko ng CCG ang kanilang BRP Bagacay at BRP Cape Engaño habang patungo sa Patag at Lawak Islands para maghatid ng supplies.
Ang delikadong manuevering na ito , nagresulta sa banggaan at pagkapinsala sa dalawang barko.
Ayon sa task force, ang unang insidente ay nangyari bandang 3:24 AM, habang nasa Escoda Shoal ay nakaranas ng agresibong maneuvering ang BRP Cape Engaño mula sa CCG vessel.
Nagresulta ito sa pagkakabangga sa barko ng PCG.
Sa lakas ng impact nagkabutas pa sa deck ng barko.
Bandang 3:40 AM naman, ang BRP Bagacay ng PCG, 2 beses binangga ng barko ng CCG kaya nagtamo ito ng minor structural damage.
Madelyn Moratillo