Kapatid ni Alice Guo dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa ang kapatid ng napatalsik na si Bamban Tarlac Mayor Alice Guo na si Sheila Guo.

Pasado alas singko ngayong hapon lumapag sa NAIA ang Philippine Airlines flight PR540 na sinakyan ni Sheila mula sa Jakarta Indonesia.

Kasama na dumating ni Sheila si Cassandra Li Ong, isa sa incorporator ng Lucky South 99, ang pogo na iniimbestigahan sa Porac, Pampanga.

Si Guo ay sinundo ng mga tauhan ng Bureau of Immigration matapos makatanggap ng report mula sa kanilang counter part sa Indonesia .

Ang dalawa ay inaresto sa bisa ng arrest order na inilabas ng Senado at Kamara habang nag-iikot sa Mega mall Batam Centre, isang mall sa Riau sa Indonesia nitong martes August 20 pero hindi kasama si Alice Guo.

Mula sa airport, sinalubong sila ng mga tauhan ng Senate at House Sgt at Arms.

Si Shiela ay ide detain sa Senado habang si Ong ay sa Kamara.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *