Lalaki patay matapos barilin sa Tondo, Manila

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Gerona Street malapit sa Juan Luna sa Tondo Manila.

Ayon sa pulisya, mas aalas ocho ng umaga ng mangyari ang insidente.

Pero sa CCTV ng Barangay 86, 7:30am palang nakita na paikot ikot ang suspek sakay ng motorsiklo sa ilang kalsada paikot sa crime scene.

Sa kuhang CCTV footage nakita na naglalakad ang biktima na nakasuot ng kulay puting polo na uniporme niya sa trabaho.

Sinalubong siya ng suspek na sakay ng motorsiklo at nang magkaharap ay dalawang beses binaril ang biktima

Kita rin sa CCTV ang pagbagsak ng biktima sa gilid ng kalsada.

Kinilala ng MPD ang biktima na si Darius Quebec residente ng Lacson Street sa Tondo.

Nagsasagawa na ng backtracking ang MPD para mahanap ang suspek.

Inaalam na rin ang motibo sa krimen.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *