Dating musical director sa GMA 7 na umano’y nanghalay sa singer na si Gerald Santos, tinukoy na niya

Courtesy: Senate of the Philippines

Pinangalanan na ng singer na si Gerald Santos ang dating musical director sa GMA 7 na umano’y nanghalay sa kaniya.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Information and Mass Media, bagama’t hindi na idinetalye, ay sinabi ni Santos na matindi ang ginawa sa kaniyang pang-aabuso ng musical director na si Danny Tan noong December 25 hanggang 26 ng 2005.

Dahil dito ay dumanas siya ng mental at psychological torture.

Ang kaso aniya ni Sandro Muhlach ang gumising sa kaniya para lumantad at magsalita.

Ssbi ni Santos, kung imaprubahan lang sana ng network ang kanilang apila noong February 2011 na mabigyan ng kopya ng kanilang ginawang imbestigasyon sa kaniyang reklamo, sana ay nakapagsampa na sila ng kaso sa korte.

Kaya apila niya sa mga senador, paigtingin pa ang batas laban sa sexual harassment, sexual abuse, rape at pahabain ang prescriptive period dahil hindi naman lahat ng biktima ay handa agad lumantad at magsalita sa sinapit na pang-aabuso.

Hinimok niya ang mga kabataang biktima rin ng pang-aabuso na huwag matakot at lumantad, para mabigyan ng katarungan ang kanilang sinapit.

Courtesy: Senate of the Philippines

Sinabi ni Santos, “Sa gulang na 15 pinakamapait na maaaring maranasan ng isang bata, pero dahil sa aking marubdob na pangarap, pinilit na kalimutan ang pangyayari sa aking puso at isipan. Hindi alam ng aking pamilya dahil sa matinding kahihiyan na maaaring maranasan, pandidiri sa sarili na ginawan ako ng ganito dahil alam ko walang magagawa at walang makikinig sa akin.”

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *