Shiela Guo at Cassandra Li Ong, kinasuhan na ng National Prosecution Service ng DOJ sa korte sa Pasay

Photo: BI

Kinumpirma ni Prosecutor General OIC Richard Fadullon, na kinasuhan na ng National Prosecution Service (NPS) ng Department of Justice (DOJ), sina Shiela Guo at Cassandra Li Ong sa korte sa Pasay City

Batay sa resolusyon ng piskalya, inirekomendang kasuhan si Ong o si Zhang Mier ng disobedience to summons na inisyu ng Senado at paggamit ng pekeng pasaporte ng Pilipinas.

Photo: BI

Una nang kinumpirma ng NBI na si Shiela Guo at Chinese national na si Zhang Mier ay iisa, batay sa isinagawang fingerprint analysis.

Nakumpiska rin ng Bureau of Immigration mula kay Shiela ang Chinese passport nito.

Inirekomenda naman ng DOJ-NPS na kasuhan si Ong ng obstruction of justice at disobedience to summons na inisyu ng Kamara.

Inirekomenda rin ng DOJ-NPS na isailalim pa sa case build- up ng NBI at iba pang law enforcement agencies, ang paglabag sa Immigration law nina Zhang at Ong.

Moira Encina – Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *