Alahas ni Elvis Presley kasama sa ipagbibili sa celebrity artifacts auction
Isusubasta sa darating na weekend ang hindi pangkaraniwang mga kagamitan mula sa mundo ng musika at pelikula, na kinabibilangan ng gintong singsing na pag-aari ni Elvis Presley at isang liham na isinulat ng isang miyembro ng bandang The Beach Boys na si Brian Wilson.
Ang Artifacts of Hollywood & Music sale mula sa Kruse GWS Auctions ay kinatatampukan ng halos 400 items, na kinabibilangan ng items na pag-aari ni Prince, Aaliyah, at Abigail Folger, na isang coffee heiress.
Sinabi ng auctioneer na si Brigitte Kruse, “This particular auction has some pretty powerful pieces as far as emotional connections for people. There is this element of tragedy and icons leaving us way too soon.”
Kabilang sa top items ay ang ilang kagamitan na pag-aari ni Presley, gaya ng isang microphone na ginamit sa performance niya sa kaniyang Las Vegas residency, isang pill bottle na may markang March 1977, at dalawang unique na gintong singsing, na tinatayang maipagbibili sa halagang US$35,000 (S$45,594) hanggang US$60,000.
Ayon kay Kruse, “Jewelry owned by Presley, who died in August 1977, is still proving to be one of the most powerful asset classes on the face of the planet.’
A letter from The Beach Boys’ Brian Wilson is displayed ahead of Artifacts of Hollywood & Music action by GWS Auctions, in New York City, New York, US Aug 26, 2024.
PHOTO: Reuters
Isa pa sa highlight ng auction ang isang handwritten letter ni Wilson sa kaniyang Beach Boys bandmate at pinsang si Mike Love, na ayon kay Kruse ay inaasahang maibebenta ng hindi bababa sa US$10,000.
Ang online auction na naka-livestream ay gaganapin sa Sabado, August 31.