Patay sa pananalasa ng Typhoon Yagi sa Vietnam umakyat na sa 24
Hindi bababa sa 24 ang namatay at 299 naman ang nasaktan sa northern Vietnam, sanhi ng landslides at mga pagbahang dulot ng pananalasa ng Typhoon Yagi.
Ang naturang bagyo na pinakamalakas sa Asya ngayong taon, ay naglandfall sa northeastern coast ng Viernam noong Sabado.
People wade through a flooded street following the impact of Typhoon Yagi, Hai Phong, Vietnam, September 8, 2024. REUTERS/Minh Nguyen
Naantala nito ang mga suplay ng kuryente at telekomunikasyon sa ilang bahagi ng bansa, karamihan ay sa Quang Ninh at Haiphong.
Ngayong Lunes ay nagbabala ang weather agency tungkol sa mas marami pang pagbaha at pagguho ng lupa, at binanggit na ang pag-ulan ay nasa pagitan ng 208 millimeters at 433 millimeters (8.2 inches hanggang 17.1 inches) sa ilang bahagi ng rehiyon sa nakalipas na 24 na oras.
A man walks past a devastated area following the impact of Typhoon Yagi, in Hanoi, Vietnam, September 8, 2024. REUTERS/Thinh Nguyen
Sa kanilang report ay sinabi ng National Centre for Hydro-Meteorological Forecasting, “Floods and landslides are damaging the environment and threatening people’s lives.”
Sa bukod na bulletin, binanggit ng ahensiya na mataas ang panganib ng mga pagbaha partikular sa Lang Son, Cao Bang, Yen Bai at Thai Ngyen provinces.