Alice Guo, ipinalilipat sa female dormitory ng Pasig City Jail

Ipinag utos ng Pasig City RTC Branch 167, na ilipat sa Pasig City Jail female dormitory si Alice Guo mula sa PNP custodial center sa Camp Crame.

Ang commitment order ay inisyu ni presiding judge Annielyn Medes-Cabelis matapos makitaan ng sapat na batayan ang kasong qualified human trafficking na isinampa ng DOJ laban kay Guo.

Ang kapwa akusado ni Guo na si Walter Wong Long na nakadetine sa Tarlac Provincial Jail, ay ipinalilipat naman sa Pasig City Jail male dormitory.

Itinakda ng hukom ang pagbasa ng sakdal sa dalawa sa Setyembre 27 ng ala-8:30 ng umaga sa pamamagitan ng video conferencing.

Samantala, iniutos din ng Pasig RTC na arestuhin ang iba pang mga kapwa akusado ni Guo sa human trafficking na isang non- bailable case.

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *