Rare diamond necklace na posibleng may kaugnayan kay Marie Antoinette, nakatakdang isubasta sa Nobyembre
Isang “rare diamond” necklace na may posibleng kaugnayan sa dating French queen consort na si Marie Antoinette, ang nakatakdang isubasta sa Nobyembre na ang halaga ay tinatayang aabot sa US$2.8 million (S$3.6 milion).
Ang 18th century na alahas, na tumitimbang ng 300 carats, ay ginawa noong dekada bago ang 1789 French Revolution at huling nakita sa publiko noong 1973 bago ibenta sa isang pribadong koleksyon.
Binubuo ng tatlong hanay ng mga diamante na may mga borlas na brilyante sa bawat dulo, ang alahas ay ipinakita sa publiko sa unang pagkakataon sa loob ng 50 taon nitong Lunes (Sept 23), sa mga showroom ng Sotheby’s London.
Screen grab from Reuters
Sinabi ni Andres White Correal, Chairman at Head ng Royal and Noble Sales sa Sotheby’s for Europe and the Middle East, “Diamonds were always repurposed and because the mines of Golconda in India went extinct at the end of the 18th century, most of the 18th century jewels, in order to keep with fashion, were broken up.”
Dagdag pa niya, “So to have an 18th century jewel intact of this magnitude, size and the importance of the diamonds, is exceptionally rare.”
Ipinapalagay na ang ilan sa mga diamante nito ay maaaring nagmula sa “infamous Affair of the Diamond Necklace,” na sumira sa reputasyon ni Marie Antoinette, ang “unpopular” last queen consort ng France bago ang French Revolution.
Screen grab from Reuters
Ang kuwintas ay pag-aari ng Marquesses of Anglesey, isang Anglo-Welsh aristocratic family, kung saan ang nabanggit na alahas ay ginamit ng mga miyembro ng pamilyang ito sa koronasyon ni King George VI noong 1937 at ni Queen Elizabeth noong 1953.
Ang kuwintas ay isusubasta sa “Royal & Noble Jewels” sale ng Sotheby’s sa Geneva sa November 11.