Huwes pinagmulta ng SC dahil sa pitong taong delay sa pagresolba sa writ of preliminary injunction

Pinagmulta ng Korte Suprema ng P201,000 ang isang hukom dahil sa hindi makatuwirang delay sa pagresolba sa writ of preliminary injunction.

Sa desisyon ng Supreme Court En Banc, napatunayang guilty sa gross neglect of duty si Presiding Judge Miguel S. Asuncion ng Antipolo City, Rizal Regional Trial Court Branch 99, makaraang abutin ng pitong taon ang pagresolba nito sa hirit na preliminary injunction.

Noong 2016 inihain ng plaintiffs na mga stallholder ang kanilang hiling sa preliminary injunction at damages laban sa Princeville Construction and Development Corporation, pero 2023 lang napagpasyahan.

Idinipensa naman ng judge na ang maraming mosyon ng mga plaintiff ang nagdulot ng delay, at ang mga marami niyang gampanin sa korte noong pandemya at karagdagang trabaho sa special commercial court at cybercrime court.

Iginiit naman ng Supreme Court na alinsunod sa Rules of Court at Saligang Batas, dapat maresolba ng lower courts sa loob ng tatlong buwan mula sa huling memoranda ng plaintiffs ang petisyon, lalo na’t ikinabubuhay ng mga ito ang nakasalalay.

Hindi rin anila ang maraming mosyon ng plaintiffs ang dahilan ng delay at hindi rason ang pandemya, dahil bago pa man ang Covid pandemic ay naihain na ang pleadings.

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *