DA , inalis na ang poultry ban mula sa Michigan
Inalis na ng Department of Agriculture ang ban sa pag-aangkat ng mga ibon at poultry products mula Michigan sa Estados Unidos.
Inilabas ni DA Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr. ang DA Memorandum number 47 makaraang ipagbigay-alam ng US Veterinary Authorities sa World Organisation for Animal Health na naresolba na ang mga kaso ng Avian Influenza o bird flu at walang mga bagong kaso matapos ang July 12, 2024.
Ang kautusan ay epektibo sa lahat ng mga transaksyon sa ilalim ng umiiral na Import Rules and Regulations ng DA.
Sinabi ni Tiu Laurel na ang lahat ng import transactions ay kailangang sumunod sa lahat ng DA rules at regulations na may kaugnayan sa Agricultural food imports.
Ang US ang major source ng imported meats sa Pilipinas, at karamihan ay karneng baka at manok.