10 taong Road To Zero Waste program inilunsad ng MMDA

Pinasinayaan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang 10 taong programa para makamit ang zero waste sa mga sanitary landfill at mga daluyan ng tubig.

Ayon kay MMDA Chairperson Romando Artes, layon ng inisyatiba na mabawasan ang mga basura na nauuwi sa mga karagatan at iba pang waterways na nagdudulot ng matinding pagbaha sa Metro Manila.

MMDA Chairperson Romando Artes / Courtesy: mmda.gov.ph

Makakatuwang ng MMDA sa implementasyon ng programa ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng DENR, DILG at mga LGU at ang mga nasa pribadong sektor gaya ng recyclers at waste processers.

Ayon kay Artes, “Ito naman po ay pasimula pa lamang. Sa aming palagay, isang magandang epekto nito ay pwedeng ipaalam lalo na po sa ating mga kababayan na yung mga basura po natin ay hindi lamang po basura yan na pwedeng itapon na dapat mauwi sa sanitary landfill, ito po ay pagbubukas ng isipan ng ating mga kababayan na yung basura ay pwedeng gamitin as resource. Yung recycling efforts lang po pwede nyang irecycle basura para magamit muli to another product ay posible.”

Tutuon ang programa sa waste reduction, recycling at resource recovery.

Sinabi ng MMDA na para sa unang yugto ng programa ay tutuon muna ang MMDA sa information campaign sa publiko.

Sa pag-aaral ng MMDA, nasa 21% ng household waste ang puwedeng i-recycle.

MMDA Chairman General Manager Procopio Lipana / Courtesy: mmda.gov.ph

Sinabi naman ni MMDA Chairman General Manager Procopio Lipana, “Malaking challenge sa waste management ang behavior ng mga kababayan natin para mapakita na ang ga basura na itinatapon nila sa waterways, yun ang kailangan ng recyclers as their raw materials so it’s a valuable resource, actually di lang nakikita ng ating mga kababayan na kapaki pakinabang ang ibang basura na itinatapon nila.”

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *