DFA mas pinaigting ang kolaborasyon sa ibang mga ahensya para masawata ang passport fraud

Courtesy: DFA

Lumagda sa memorandum of understanding (MOU) ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para mas mapalakas ang pagtutulungan sa paglaban sa mga iligal na passport application.

Ang hakbangin ay kasunod ng mga insidente ng iligal na pagkakakuha ng Philippine passport ng mga dayuhan sa bansa.

Kasama sa pumirma sa kasunduan ang Philippine Statistics Authority (PSA), Bureau of Immigration (BI), National Intelligence Coordinating Agency (NICA), National Bureau of Immigration (NBI), Philippine National Police (PNP), Philippine Center for Transnational Center (PCTC) at Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).

Ayon kay DFA Undersecretary Jesus Domingo, sa pamamagitan ng MOU ay mapapaunlad ng mga ahensya ang data sharing efficiency at interoperable systems, matiyak ang mga agarang coordinated response, at masiguro ang check and balance sa isyu ng passport fraud.

Matapos ang signing ceremony ay nag-convene ang mga ahensya kung saan tinalakay ang mga isinasagawang pag-iimbestiga at pag-usig sa mga illegal passport application.

Sa budget hearing noon ng Senado para sa 2025 budget ng DFA, sinabi ng kagawaran na umaabot sa 171 passport applications mula sa mga dayuhan ang naharang nito mula Nobyembre 2023.

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *