Trump wagi sa US Presidential election

Republican presidential nominee and former U.S. President Donald Trump speaks following early results from the 2024 U.S. presidential election in Palm Beach County Convention Center, in West Palm Beach, Florida, U.S., November 6, 2024. REUTERS/Carlos Barria

Inangkin na ng Republican na si Donald Trump ang tagumpay sa presidential contest makaraan ang projection ng Fox News na tinalo niya ang Democrat na si Kamala Harris, na isang nakamamanghang pagbabalik sa pulitika apat na taon pagkatapos niyang umalis sa White House.

Sa kaniyang pagsasalita umaga ng Miyerkoles sa harap ng nagkakaingay niyang supporters sa Palm Beach County Convention Center ay sinabi ni Trump, “America has given us an unprecedented and powerful mandate.”

Hindi pa tinatawag ng ibang news outlets na si Trump na ang nanalo sa karera, ngunit lumilitaw na nasa bingit na ito ng pagwawagi matapos makuha ang battleground states ng Pennsylvania, North Carolina at Georgia at siya rin ang nangunguna sa iba pang apat na estado ayon sa Edison Research.

Hindi nagsalita si Harris sa kaniyang supporters, na nagtipon sa kaniyang alma mater na Howard University. Saglit na hinarap ng kaniyang campaign co-chair, na si Cedric Richmond ang mga tao, at sinabing Miyerkoles na magsasalita si Harris.

Aniya, “We still have votes to count. We still have states that haven’t been called yet.”

Ang dating pangulo ay nagpakita ng lakas sa maraming lugar sa bansa, mula sa rural areas hanggang sa urban centers, na nagpapakitang nag-improve ang kaniyang performance kumpara noong 2020.

Nakuha naman ng Republicans ang U.S. Senate majority dahil nakuha rin nila ang puwesto sa West Virginia at Ohio. Ngunit tila wala sa magkabilang panig ang nangunguna para sa kontrol sa House of Representatives kung saan sa ngayon ay hawak ng Republicans ang narrow majority.

Sinimulan ni Trump ang Election Day na may 50-50 tyansa na mananalo at muling mauupo sa White House, isang kamangha-manghang pangyayari mula noong Jan. 6, 2021, kung saan marami ang nagsabing tapos na ang kaniyang political career. Nang araw na iyon, sinugod ng napakarami niyang supporters ang Congress sa isang marahas na pagtatangka na baligtarin ang resulta ng 2020 election.

Nakakuha ng suporta si Trump mula sa Hispanics, na tradisyunal na Democratic voters, at maging sa kalipunan ng lower-income households na siyang nakaranas ng bigat ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin mula sa huling presidential election noong 2020, ayon sa exit polls mula sa Edison.

Nakuha ni Trump ang 45% ng Hispanic voters sa buong bansa, habang si Harris ay may 53% ngunit mas mataas pa rin ito kumpara sa nakuha niyang 13 percentage points noong 2020.

Nasa 31% ng mga botante ang nagsabi na ekonomiya ang top issue para sa kanila, at bumoto sila para kay Trump na may 79%-to-20% margin, ayon sa exit polls. May 45% naman ng botante sa buong bansa ang nagsabi na sumama ang financial situation ng kanilang pamilya ngayon kumpara sa nakalipas na apat na taon, at pinaboran nila si Trump ng may 80% to 17% margin.

Ang mga pandaigdigang mamumuhunan ay mas pumabor din sa panalo ni Trump nitong Martes. Ang mga futures ng stock ng U.S. at ang dolyar ay tumaas nang mas mataas, habang ang kita ng Treasury ay umakyat at tumaas ang bitcoin.

Pagsapit ng 12:30 a.m. ET, halos natapos na ng mga opisyal ang pagbibilang ng mga balota sa mahigit 1,600 county–halos kalahati ng bansa–at ang bahagi ni Trump ay tumaas ng humigit-kumulang 2 porsyentong puntos kumpara noong 2020, na nagpapakita ng malawak kung hindi man ng lalong malalim na pagbabago sa suporta ng mga Amerikano sa pangulong pinatalsik nila, apat na taon na ang nakararaan.

Nag-improve ang kaniyang margin sa suburban counties, rural regions at maging sa ilang malalaking mga siyudad na sa kasaysayan ay balwarte ng Democratic supporters, gayundin sa high-income counties at low-income areas, at sa mga lugar kung saan ang unemployment ay medyo mataas at sa mga lugar na ngayon ay nasa pinakamababa na.

Si Harris ay umasa sa malaking margins sa kalipunan ng urban at suburban voters, ngunit ang nakuha niyang suporta mula sa nabanggit na mga lugar ay naging napakalayo kay Pangulong Joe Biden noong 2020 elections.

Si Trump ay maagang bumoto malapit sa kaniyang tahanan sa Palm Beach, Florida.

Sinabi niya sa mga mamamahayag, “If I lose an election, if it’s a fair election, I’m gonna be the first one to acknowledge it.’

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *