SC iniutos na palayain ang isang bilanggo na nakulong nang higit pa sa maximum imposable penalty

Ipinag-utos ng Supreme Court na palayain ang isang Persons Deprived of Liberty o PDL makaraang makulong nang higit pa sa maximum imposable penalty.

Sa desisyon na isinulat ni SC Associate Justice Mario Lopez, kinatigan ng Second Division ang conviction sa kasong qualified theft ni Jovelyn Antonio.

Pero iniutos na agad na palayain ang bilanggo dahil natapos na nito ang kanyang sentensiya.

Hinatulan si Antonio noong 2011 ng reclusion perpetua o halos 40 taong pagkakulong.

Gayunman, binawasan ng SC ang sentensya ng PDL dahil batay sa kompyutasyon nito ay hindi lalagpas ng 10 taon at walong buwan ang kanyang pagkakabilanggo.

Nakulong si Antonio nang halos 12 taon.

Ayon sa SC, malupit at hindi makatao ang pagkabilanggo na lagpas sa maximum imposable penalty at niyuyurakan nito ang dignidad ng mga inmate.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *