Dose-dosenang mga bahay nasunog dahil sa wildfire malapit sa Los Angeles
Higit sampung libong katao ang inatasang lumikas dahil sa isang wildfire sa hilagang-kanluran ng Los Angeles, na tumupok na ng dose-dosenang mga bahay.
Sinabi ni Ventura County fire department Captain Tony McHale, “Firefighters and police cleared residents from neighborhoods near Camarillo before homes were set ablaze by embers blown two miles (3.2 km) from the fire front. It’s like trying to put out a blowtorch with a squirt gun.”
Flames rise from damaged property, as smoke billows from the Mountain Fire in Camarillo, California, November 6. REUTERS/David Swanson
Ayon kay McHale, nagsimula ang sunog sa isang hillside canyon noong Miyerkoles pagkatapos ay gumapang pa-kanluran, dahil sa hangin.
Sinabi ng mga awtoridad, na dahil madamo at ang hangin ay may pagbugsong aabot sa 80 mph (130 kph), ay umabot na sa mahigit sa 20,000 ektarya ang tinupok ng apoy hanggang nitong Huwebes ng gabi.
People react near houses that were damaged in the Mountain Fire in Camarillo, U.S., November 7, 2024. REUTERS/David Swanson
May ilang sibilyan nang nasaktan, at marami-raming bilang na rin ng mga bahay, mga negosyo at iba pang mga istraktura ang nasira ayon pa kay McHale.
Sa ulat ng Los Angeles Times, mahigit 90 ang nabilang nilang mga bahay na nasira, at mahigit sa 30,000 katao ang nakatira sa posibleng daanan ng sunog, ayon sa California Department of Forestry and Fire Protection or Cal Fire.
A person looks at a damaged house due to the Mountain Fire in Camarillo, U.S., November 7, 2024. REUTERS/David Swanson
Isang red flag warning for high winds ang nakataas hanggang ngayong Biyernes.
Ayon sa mga siyentipiko, ang pag-init ng temperatura ay nagdulot ng pagkakaroon ng “wet winters,” na naging daan naman upang dumami ang coastal chaparral ng California (maliliit na mga puno, mga shrub at mga bush). Ang record-high temperatures naman ng summer ay tumuyo sa hillsides, sanhi upang maging prone ito sa wildfire.
An helicopter makes a drop as smoke billows from the Mountain Fire in Santa Paula, California, U.S., November 7, 2024. REUTERS/David Swanson
Ang Estados Unidos ay nakararanas ng malalakas na wildfire ngayong taon, kung saan 8.1 million acres na ang nasunog kumpara sa taunan, buong-taong coverage na humigit-kumulang 7 million acres sa nakalipas na dekada ayon sa National Interagency Fire Center data.
Sa ngayon, ang California wildfires ay tumupok na ng mahigit sa tatlong ulit ng kalupaan kaysa noong nakaraang taon, ayon sa Cal Fire data.