Mga barko at maliliit na sasakyang pandagat bawal maglayag; Storm surge ibinabala
Pinaigting pa ng PAGASA ang paaalala sa mga sasakyan pandagat lalo na ang malilit na mangingisda na bawal ang paglalayag sa karagatang sakop ng Ilocos province, karatig lalawigan sa Northern Luzon hanggang Camarines provinces.
Ito ay dahil nakataas ang gale warning sa nasabing sakop ng karagatan at matindi ang alon dulot ng bagyong Nika.
Bukod sa alon, matinding daluyong o storm surge ang naitala sa nasabing mga baybayin.
Ang mga ito ay ang baybayin sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Isabela, Zambales, Aurora, Quezon kasama ang Polillo Islands, Camarines Sur at Camarines Norte.
Pinapayuhan din ang mga residente na malapit sa nasabing mga baybayin na lumikas.