Korte Suprema, iginiit na immediately executory ang ruling nito ukol sa BARMM

Nilinaw ng Korte Suprema na epektibo agad ang desisyon nito na nagdideklarang hindi bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang Sulu.

Ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Ting, immediately executory o dapat nang buong ipatupad ang BARMM ruling na inilabas noong Setyembre 9.

Ito ay kahit aniya may nakabinbing motion for reconsideration sa SC laban sa desisyon.

Sinabi ni Ting na walang dahilan para banggitin ng SC na immediately executory ang ruling kung hindi naman ito ang ibig sabihin nito.

Paliwanag pa ni Ting na tulad sa mga dating desisyon ay inisyu ng Korte Suprema ang nasabing BARMM ruling na batid na hindi maaaring ipagpaliban ang eleksiyon.

Sa ruling ng SC, sinabi na hindi dapat bahagi ng BARMM ang Sulu dahil hindi ito bumoto para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *