Alcaraz, nabigla nang matalo laban kay Ruud sa ATP Finals opener
Ikinabigla ni Carlos Alcaraz ang kaniyang 6-1 7-5 defeat laban sa Norwegian na si Caper Ruud sa kanilang opening match ng ATP Finals, dahil umaasa ang Spaniard na makukuha niya ang year-end title sa unang pagkakataon.
Nakapag-save ng break points sa opening game ang World number seven na si Ruud, na natalo sa lahat ng apat niyang laban kontra kay Alcaraz, ngunit dinomina nito ang unang set mula noon sanhi ng mga hindi inaasahang pagkakamali mula sa Spanish player.
Norway’s Casper Ruud celebrates after winning his men’s singles group stage match against Spain’s Carlos Alcaraz REUTERS/Guglielmo Mangiapane
Naging positibo naman ang tugon ni Alcaraz upang umabante ng 5-2 sa second set, subalit napagwagian ni Ruud ang huling five games patungo sa kaniyang panalo.
Umaasa si Alcaraz, na nagwagi ng French Open at Wimbledon titles ngayong taon, na siya ang magiging unang Spanish player na magkakamit ng prestihiyosong year-ending title, mula nang makuha ito ni Alex Corretja noong 1998.
Spain’s Carlos Alcaraz in action during his men’s singles group stage match against Norway’s Casper Ruud REUTERS/Guglielmo Mangiapane
Nabigo si Ruud na i-convert ang kanyang unang dalawang match points, ngunit tinapos ito sa ikatlong pagtatangka na ilagay ang kanyang sarili sa isang malakas na posisyon sa John Newcombe group, na magpapatuloy sa susunod na Lunes kapag si Alexander Zverev ng Germany ay humarap kay Russian Andrey Rublev.
Norway’s Casper Ruud in action during his men’s singles group stage match against Spain’s Carlos Alcaraz REUTERS/Guglielmo Mangiapane
Nakagawa ang 21-anyos na si Alcaraz ng 34 na unforced errors laban kay Ruud, kung saan karamihan sa tinangka niyang drop shots ay tumama lamang sa net o agad na naibabalik ng Norwegian.