Retired Police Col. Royina Garma naaresto sa San Francisco, California – DOJ

Retired Police Col. Royina Garma / Photo courtesy of House Press and Public Affairs Bureau

Nadakip sa San Francisco, California sa Amerika noong November 7, si retired police colonel Royina Garma at ang anak nito na si Angelica Garma Vilela.

Ito ang kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) batay sa ulat ng Philippine National Police (PNP), at ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Kaugnay nito, sinabi ni DOJ Spokesperson Mico Clavano na inatasan ni Justice Secretary Crispin Remulla ang Bureau of Immigration (BI) na pangasiwaan ang pagbabalik nina Garma sa Pilipinas.

Umaasa aniya ang DOJ na patuloy na makikipagtulungan si Garma sa mga imbestigasyon ng pamahalaan sa drug war killings, lalo na’t binawi ng Kamara ang contempt order sa dating pulis.

Tiniyak naman ni Justice Secretary Crispin Remulla na ginagawa nila ang lahat para ligtas na makabalik ng bansa si Garma.

Si Garma ay isa sa mga humarap sa mga pagdinig ng House Quad Committee kaugnay sa war on drugs ng Duterte Government.

Moira Encina – Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *