Ipinalalagay na unang human case ng bird flu sa Canada na isang teenager, kritikal ang lagay
Kritikal ang lagay ng isang teenager na naka-confine sa isang children’s hospital sa British Columbia, na ipinalalagay na unang human case ng avian influenza o bird flu sa Canada.
Sinabi ng provincial health officer na si Bonnie Henry, “This was a healthy teenager prior to this, so no underlying conditions. It just reminds us that in young people this is a virus that can progress and cause quite severe illness, and the deterioration that I mentioned was quite rapid.”
Una nang sinabi ng British Columbia health officials noong Sabado, na ang lalawigan ay naka-detect ng unang human case ng H5 bird flu sa isang teenager.
Ayon sa provincial health officer na si Bonnie Henry, inaalam pa ng lalawigan kung ano ang tiyak na strain pero ipinalalagay nila na ito ay kaso ng H5N1.
Sinabi ng World Health Organization, “H5N1’s risk to humans is low because there is no evidence of human transmission, but the virus has been found in an increasing number of animals, including cattle in the United States.”
Hindi ibubulgar ni Henry ang kasarian o edad ng teenager, ngunit sinabing unang na-develop ang mga sintomas ng pasyente noong November 2 at isinailalim sa test noong November 8, nang siya ay ma-admit sa isang ospital. Kabilang sa mga sintomas ang conjunctivitis, lagnat at ubo.
Aniya, nitong Martes ay na-ospital ang teenager dahil sa acute respiratory distress syndrome.
Ayon kay Henry, ang pasyente ay hindi na-expose sa isang farm subalit na-expose naman sa mga aso, pusa at reptiles. Wala rin aniyang natukoy pang source ng impeksiyon kaya patuloy ang kanilang imbestigasyon.
Dagdag pa niya, “More severe illness takes place when the virus binds to receptors deep in the lungs.”
Nasa tatlong dosenang katao naman na natukoy na nagkaroon ng kontak sa pasyente ang sinuri ng public health officials, ngunit wala isa man sa mga ito ang infected ng virus.
Sinabi ng mga siyentipiko, na walang ebidensiya na ang sakit ay madaling maisasalin ng tao sa iba pang tao, ngunit kung mangyayari ito, maaaring magkaroon ng isang pandemya.
Sa mga unang bahagi ng Nomyembre, hiniling ng U.S. Centers for Disease Control and Prevention, na maisailalim sa pagsusuri ang farm workers na na-expose sa mga hayop na may bird flu kahit na wala silang ipinakikitang mga sintomas.
Ang bird flu ay dumapo na sa halos 450 dairy farms isa 15 mga estado ng Amerika simula noong Marso, at 46 na human cases ng bird flu ang natukoy ng CDC mula noong Abril.
Sa Canada, ang British Columbia ay naka-identify ng hindi bababa sa 26 na affected premises sa buong lalawigan, at ayon kay Henry, napakaraming wild birds ang nagpositibo sa virus.
Ang Canada ay walang naitalang kaso sa kanilang dairy cattle farm at wala ring ebidensiya ng bird flu sa mga sample ng gatas.