Batangas, nagsasagawa ng forced evacuation habang papalapit ang Bagyong Pepito

Dr. Amor Banuelos Calayan, head of the Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), Batangas / Photo courtesy of Batangas PIO FB

Nagsasagawa ng preemptive at forced evacuation ang provincial government ng Batangas sa mga lugar na may mataas na tyansang makaranas ng matinding panganib, dahil sa potensyal na epekto ng Bagyong Pepito (international name Man-yi).

Sa isang panayam ay sinabi ni Dr. Amor Banuelos Calayan, pinuno ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), “They will be doing the forced evacuation today. All those living in low-lying areas, especially around Taal Lake, have been advised to evacuate as soon as possible.”

Banggit ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ay sinabi ng PDRRMO, na ang malalakas na mga pag-ulan ay maaaring magresulta sa sediment flow mula sa bulkan o lahar, gayundin ng muddy stream flows o muddy run-off sa mga ilog at drainage area sa Taal Volcano.

Ang muddy at debris flows ay maaaring mangyari muli sa mga dati nang naapektuhang komunidad sa mga bayan ng Agoncillo, Laurel, at Talisay.

Batangas Governor Hermilando Mandanas / Photo courtesy of the Official Website of the Province of Batangas

Una na ring nagpalabas si PDRRM Council chairman Governor Hermilando Mandanas, ng Memorandum 06 na nag-aatas ng patuloy na pagpapatupad ng Heightened Alert Emergency Preparedness and Response sa buong lalawigan.

Samantala, kinasela na ng Philippine Ports Authority (PPA) ang lahat ng biyahe ng mga shipping line sa Port of Batangas.

Si Pepito ay huling namataan 235 km. silangan ng Catarman, Northern Samar taglay ang lakas ng hangin na 175 kph malapit sa gitna, at pagbugso na hanggang 215 kph. Kumikilos ito ng northwestward sa bilis na 25 kph.

Ang Batangas ay isa sa mga lugar na isinailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *