Pitong national road sa Northern Luzon hindi pa rin maraanan
Hanggang ala-6:00 ngayong umaga ng Sabado, November 16, 2024, ay hindi pa rin maaaring daanan ang pitong national road sections sa Northern Luzon, dahil sa pinagsamang epekto ng Tropical Cyclones Nika, Ofel, at Pepito.
Sa ulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH), may naragdag na mga kalsadang isinara sa Apayao, Ifugao, at Batanes dahil sa landslides, soil collapses, at washed-out infrastructure.
Ayon sa DPWH Bureau of Maintenance, ang mga apektadong road sections ay ang sumusunod:
1. Claveria-Calanasan-Kabugao Road, Lacnab Section, Barangay Kabugawan, Calanasan, Apayao due to soil collapse.
2. Apayao (Calanasan)-Ilocos Norte Road, Ayayao Section, Barangay Eva, Calanasan, Apayao due to soil collapse.
3. Banaue-Hungduan-Benguet Bdry Road, Tukucan, Tinoc, Ifugao due to landslide.
4. Kalinga-Abra Road, Ableg, Pasil, Kalinga due to soil collapse and fallen trees.
5. Basco-Mahatao-Ivana-Uyugan -Imnajbu Road, Barangay Kayvaluganan and Itbud sections, Uyugan, Batanes due to landslide, mud and debris flow.
6. Dugo-San Vicente Road (Mission-Sta Ana Section) San Jose Bridge, San Jose, Gonzaga, Cagayan due to washed out bridge approach/road cut.
7. Cagayan-Apayao Road, Itawes Overflow Bridge 1 and 2, Sta Barbara, Piat, Cagayan, due to scoured bridge approach.
Samantala, naka-preposition na ang DPWH Disaster and Incident Management Teams kasama ang Quick Response Assets sa lahat ng mga rehiyon ng Luzon at sa Region 8, para sa Bagyong Pepito.
Ang mga team, na binubuo ng 6,697 manpower kasama ng 1,352 equipment, ang magsasagawa ng road monitoring, reporting, clearing operations, at palliative measures sa damaged infrastructure.