Unang kaso ng clade I mpox kinumpirma ng California
Kinumpirma ng California ang unang kaso ng clade I mpox, sa Estados Unidos.
Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ang nasabing kaso ay na-diagnose sa isang tao na kamakailan ay bumiyahe sa Eastern Africa.
Ang nabanggit na pasyente ay ginamot sa isang lokal na medical facility pagdating nito sa Estados Unidos, pagkatapos ay pinalabas din.
Mula noon ayon sa CDC, ang pasyente ay isinailalim sa isolation sa kanilang tahanan, at hindi na tumatanggap ng anumang gamutan para sa mpox, at nag-i-improve na rin ang kaniyang mga sintomas.
Please follow and like us: