Digitalization ng carpeta o prison records ng PDLs, natapos na ng BuCor
Nakumpleto na ng Bureau of Corrections (BuCor) ang digitalization ng carpeta o ang rekord ng persons deprived of liberty (PDLs).
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapang, Jr., nakatulong ang mga donasyon ng European Union na information and communications equipment para matapos ang carpeta.
BuCor Director General Gregorio Catapang, Jr.
Kabilang sa ipinagkaloob ng EU sa BuCor ay pitong scanners at pitong laptops na nagkakahalaga ng P12 million.
Ang mga nasabing equipment ay ilalaan sa pitong operational prisons and penal farms ng BuCor kabilang ang New Bilibid Prison.
Makakatulong aniya ang mga ICT equipment sa pag-monitor ng status ng PDLs para mabatid ang paglaya ng mga ito, at sa biometric data at iba pang data para sa PDL identification.
Kaugnay nito, ipinirisinta ni Catapang ang OneBuCor Portal’s Inmate Management Information System, na centralized platform para sa pangangasiwa ng operasyon ng BuCor.
Moira Encina-Cruz