HIV Summit isinagawa sa Caloocan City para sa awareness ng naturang sakit

Nagsagawa ng human immunodeficiency virus (HIV) summit ang City Health Department (CHD), na dinaluhan ng mga opisyal at miyembro ng Sangguniang Kabataan sa Lungsod ng Caloocan.

Layunin ng nasabing aktibidad na mabuksan ang kamalayan at mabigyan ng angkop na impormasyon ang mga kabataan, na maibabahagi naman nila sa kani-kanilang mga nasasakupang barangay.

Kabilang sa mga tinalakay ang mga katotohanan at kuro-kuro tungkol sa HIV, mga paraan kung paano ito maiiwasan, maagapan, gayundin ang suporta at tulong na kinakailangan ng mga pasyente na may ganitong uri ng sakit.

Manny De luna

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *