Higit sa 24 katao patay sa tangkang pag-atake sa Haiti

Residents question a person who is not from the neighbourhood after an attempted overnight attack by gangs on the affluent hillside suburb Petion-Ville sparked a violent civilian response, in Port-au-Prince, Haiti, November 19, 2024. REUTERS/Ralph Tedy Ero

Mahigit sa dalawampu’t apat na hinihinalang miyembro ng gang ang napatay sa kabisera ng Haiti, makaraang magsanib-puwersa ang mga residente at pulisya upang pigilan ang tangkang overnight attack sa isang lugar sa Port-au-Prince.

Isinara ang Petion-Ville at binarikadahan naman ng mga residente ang mga kalsada, at hiniling sa mga hindi taga roon sa lugar na manatili na lamang sa kanilang bahay, habang naghahanda ang mga ito na ang iba ay may hawak na machete at martilyo upang protektahan ang distrito sa pagsalakay ng gang.

Isang reporter ng Reuters ang nakakita hindi bababa sa 25 mga bangkay sa magkabilang panig ng Delmas, Canape Vert at Petion-Ville, kung saan sinunog ng mga residente ang bangkay ng mga hinihinalang kriminal sa ilalim ng mga gulong na sinilaban.

Sinabi ni national police deputy spokesperson Lionel Lazarre, na nasa 30 katao na sinasabing mga miyembro ng gang ang malubha ring nasugatan.

Aniya, “The population stood along the Haitian National Police during these moments. They will continue to work hand in hand.”

Una nang sinabi ni Lazarre sa isang lokal na himpilan ng radyo, na naharang ng mga pulis ang armadong mga lalaking sakay ng van, kung saan kinumpiska nila ang dalang armas ng mga ito gaya ng Kalashnikov rifles.

People carry their belongings while fleeing their neighbourhood following gang attacks that sparked a violent civilian response, in Port-au-Prince, Haiti, November 19, 2024. REUTERS/Ralph Tedy Erol

Kuwento ng isang residente na si Anara, na ayaw ibigay ang kaniyang apelyido, “Men and women had been coming in since midnight armed to the teeth, and that people did not know who had sent them. We gave them a clear answer. We’re not going to give up the area, we’re not going to leave.”

Iniulat ng isang lokal na pahayagan na Le Nouvelliste, ang mga senaryo ng “bwa kale” sa ilang bahagi ng kabisera, na tumutukoy sa isang civilian vigilante movement na nagsimula noong Abril noong nakaraang taon, nang patayin at sunugin ng mga residente ang mga pinaghihinalaang miyembro ng gang kahit wala ang mga pulis.

Sa nakalipas na mga taon, libu-libong mga pulis na ang namatay dahil ang pambansang pulisya ay kulang na kulang sa pondo.

Sa ulat ng U.N., hindi bababa sa 149 mga kaso ng “bwa kale” sa pagitan ng June at September ngayong taon ang naitala.

Ngunit nagbabala ang rights activists na nadadamay ang mga inosenteng sibilyan sa vigilante killings, at ang U.N. ay nag-ulat ng mga kaso ng matinding karahasan laban sa mga taong akusado ng maliliit lamang na krimen.

Noong 2022, humingi na ng ayuda ang gobyerno ng Haiti para sa international support para tulungan ang kanilang pulisya na labanan ang malalakas na gang, na inaakusahan ng mass sexual violence, ransom kidnappings, extortion, child recruitment at pagharang sa pagdating ng mga pangunahing supply.

Inaprubahan ng U.N. Security Council ang isang support mission noong Oktubre, pero hanggang sa ngayon ay kapiraso lamang ang naideploy mula sa ipinangakong mga tauhan.

Isinulong ng mga lider sa Haiti na gawin iyong isang peacekeeping mission upang makakuha ng pondo.

Ngayong Miyerkoles ay nakatakdang magpulong ang Security Council upang pag-usapan ang lumalalang karahasan.

Samantala, ang Doctors without Borders, na isa sa pangunahing free healthcare providers ng Haiti, ay nagsabing ihihinto na nila ang kanilang serbisyo sa paligid ng kapitolyo dahil sa panggagahasa at death threats mula sa pulisya.

Libu-libo na ang namatay mula sa gang conflict at mahigit nang 700,000 ang internally displaced, na lalo pang nagpalala sa malubha nang food insecurity na nagresulta na sa pagkagutom ng nasa 6,000 katao.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *