BuCor hiniling sa NBI at PNP na magsagawa ng parallel investigasyon sa insidente ng pananaksak sa Bilibid

0
BUCOR LOGO

Net25.com

Sumulat na ang Bureau of Corrections (BuCor) sa pamunuan ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP), para hilingin na magsagawa ng sariling imbestigasyon sa insidente nang pananaksak sa New Bilibid Prison na ikinamatay ng isang PDL at ikinasugat ng dalawang iba pa.

Sa magkahiwalay na liham ng BuCor kina NBI Director Jaime Santiago at PNP Chief Rommel Marbil, sinabi na ang parallel investigation ay para sa transparency at mabatid ang mga katotohanan at pananagutan sa pagkamatay ng PDL.

Tinukoy na ng BuCor na ang namatay na PDL na si Ricardo Peralta, habang ang mga nasugatan ay ang mga inmate na sina Reginal Lacuerta at Bert Cupada.

Inatasan naman ni Bucor Officer-in-Charge Al Perreras si NBP Acting Superintendent Roger Boncales na magsumite ng komprehensibong ulat sa insidente, at makipagtulungan sa NBI at PNP.

Iniimbestigahan na ng BuCor ang hindi bababa sa apat na PDLs na pinaniniwalaang sangkot sa gulo.

Moira Encina – Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *