Modernong pasilidad para sa kalusugan binuksan sa Basilan

Binuksan na ang Basilan Medical Center na may mga bagong pasilidad at 500-bed capacity, sa Isabela city sa Basilan.

Sinabi ni Basilan Congressman Mujiv Hataman, na matagal nilang ipinaglaban sa Kongreso at Senado na ma-upgrade sa lalong madaling panahon ang Basilan General Hospital, at lagyan ng mga modernong gamit, para lalong mabigyan Ng magandang health services ang mga Basileño.

Itinuring ni Hataman na isang malaking tagumpay para sa mga taga Basilan, ang tugon ng mga mambabatas para isulong na ang de-kalidad na serbisyong pangkalusugan sa buong lalawigan, dahil ito na ang kasagutan sa pangarap ng mga residente ng Basilan.

Kung matatandaan, dinadala pa sa Zamboanga City Medical Center ang mga pasyente mula sa isla ng Basilan, dahil sa kakulangan ng mga pasilidad sa loob ng Basilan General Hospital.

Pinasalamatan naman ng mga residente ang hakbang ng kinatawan ng Basilan, na nagdala ng development sa isla, na may kaugnayan sa pangangalaga sa kalusugan ng bawat pamilya.

Ely Dumaboc

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *