Israeli forces, mananatili pa rin sa South Lebanon kahit hanggang Linggo na lamang ang deadline upang sila ay umalis

0
Israeli forces, mananatili pa rin sa South Lebanon kahit hanggang Linggo na lamang ang deadline upang sila ay umalis

Cars drive past a damaged building near the Corniche, after the Israeli prime minister's office said on Friday that Israeli forces will remain in southern Lebanon beyond a 60-day deadline stipulated in a ceasefire deal with Hezbollah because its terms have not been fully implemented, in Tyre, Lebanon January 24, 2025. REUTERS/Ali Hankir

Ipinahayag ng tanggapan ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, na mananatili pa rin sa southern Lebanon ang Israeli forces, bagama’t bukas, Linggo ang huling araw na nakatakda sa isang ceasefire agreement nila sa Hezbollah upang sila ay umalis, dahil ang mga tuntunin ng kasunduan ay hindi pa ganap na naipatutupad.

Sa ilalim ng kasunduan, na nagsimula noong Nov. 27, 2024, ang mga armas at fighters ng Hezbollah ay dapat nang alisin sa mga lugar sa timog ng Litani River, at ang Israeli troops naman ay dapat nang umalis habang idinideploy na sa lugar ang Lebanese military.

Hezbollah and Amal movement flags flutter near the Corniche, after the Israeli prime minister’s office said on Friday that Israeli forces will remain in southern Lebanon beyond a 60-day deadline stipulated in a ceasefire deal with Hezbollah because its terms have not been fully implemented, in Tyre, Lebanon January 24, 2025. REUTERS/Ali Hankir

Lahat ng ito ay dapat masunod sa loob ng 60-day timeframe na natapos na matatapos bukas, Linggo ng alas-kuwatro ng madaling araw.

Ang kasunduan, na pinangasiwaan ng Estados Unidos at France, ay nagpatigil sa mahigit isang taon nang labanan sa pagitan ng Israel at ng Hezbollah na suportado ng Iran, na nagsimula sa malaking opensiba ng Israel na lubhang nagpahina sa Hezbollah, at nagpalikas sa mahigit isa punto dalawang milyong katao sa Lebanon.

Batay sa pahayag ng tanggapan ni Netanyahu, ang proseso ng pag-alis ng militar ng Israel ay “nakadepende sa hukbong Lebanese na madedeploy sa katimugang Lebanon at sa ganap at epektibong pagpapatupad sa kasunduan.

A car drives past damaged buildings in Naqoura, near the border with Israel, southern Lebanon, January 23, 2025. REUTERS/Ali Hankir/File Photo

Subalit dahil ang ceasefire agreement ay hindi pa ganap na naipatutupad ng estado ng Lebanon, ang unti-unting proseso ng pag-withdraw ay magpapatuloy, na may buong koordinasyon sa Estados Unidos.

Wala namang agad na komento mula sa Lebanon o Hezbollah, maging ang White House ay hindi rin agad na tumugon sa kahilingan na magbigay ng pahayag.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *