Kasunduan para sa pagtataguyod ng mapayapa, malinis at kapanipaniwalang halalan, nilagdaan ng PNP, AFP, at Commission on Elections

0
Kasunduan para sa pagtataguyod ng mapayapa, malinis at kapanipaniwalang halalan, nilagdaan ng PNP, AFP, at Commission on Elections

Courtesy: PNP FB

Isangdaang araw bago ang 2025 Elections, lumagda sa kasunduan ang mga opisyal ng Phil. National Police, Armed Forces of the Philippines at Commission on Elections, upang itaguyod ang mapayapa, malinis at kapanipaniwalang halalan.

Dinaluhan ito nila PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil; AFP Chief of Staff, Gen. Romeo Brawner, Jr., at COMELEC Spokesman, Atty. John Rex Laudiangco bilang kinatawan ni Chairman George Erwin García.

Courtesy: PNP FB

Sa panig ng PNP, inilatag nila ang mga plano upang mapanatili ang peace and order gayundin ang paglaban sa iligal na droga at pagpapalakas ng cybersecurity sa gitna ng paghahanda sa eleksyon.

Kasama sa naging sentro ng talakayan ang kampanya laban sa sa “Guns, Goons and Gold” at ang paglaban sa “fake news.”

Kaya naman patuloy ang paghabol sa mga loose firearms, paglalansag sa private armed groups at ang vote buying na malaking banta tuwing eleksyon.

Nangako naman si AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner, na pipilitin nilang maabot ang deadline upang malansag ang mga natitirang aktibong private armed groups (PAGS) sa bansa bago ang halalan.

Hiniling din nila ang kooperasyon ng publiko sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon kaugnay sa lokasyon ng mga tinutugis na PAGS.

Tutulong din ang PNP sa pagbabantay sa polling centers sa mismong araw ng halalan.

Mar Gabriel

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *