Iba’t ibang medical societies sa ilalim ng PMA, nagsanib-puwersa upang makamit ang target na zero dengue death pagsapit ng 2030

Nagsagawa ang Department of Health (DOH) ng iba’t ibang estratehiya upang labanan ang dengue, sa ilalim ng National Dengue Prevention and Control Program ng ahensiya.
Kaugnay nito ay sinabi ni Dra. Lulu Bravo, Executive Director ng Philippine Foundation for Vaccination (PFV), na nagsanib-puwersa ang iba’t ibang medical societies sa ilalim ng Philippine Medical Association (PMA), upang makamit ang target na zero dengue deaths pagsapit ng 2030.

Ayon kay Dr. Bravo, “Para gawin ang ating bayan na free from dengue at dengue zero death, ang WHO has declared by 2030, the world should have reduction 50% of all dengue cases plus zero dengue death.”
Belle Surara