Mga serbisyo sa milyong tao nag-collapse matapos putulin ng USAID ang mga kontrata sa buong mundo

An American flag and USAID flag fly outside the USAID building in Washington, D.C., U.S., February 1, 2025. REUTERS/Annabelle Gordon/File Photo
Nakatanggap ng termination notices ang U.S.-funded projects sa buong mundo, kabilang yaong mga nagkakaloob ng “lifesaving care” para sa milyun-milyong katao sa mga bansang gaya ng Sudan at South Africa, na ikinabigla ng global aid community.
Nangyari ito habang malapit nang matapos ng administrasyon ni U.S. President Donald Trump ang isang review upang matiyak na ang grants ay tugma sa kaniyang “America First” agenda, makaraang ipag-utos noong Enero na itigil muna sa loob ng 90-araw ang lahat ng foreign aid, upang i-assess kung ang mga proyekto ay consistent sa kaniyang policy aims.
Pinawi naman ni U.S. Secretary of State Marco Rubio ang mga pangamba na ititigil na ng Washington ang foreign aid, sa pagsasabing nagbigay ng waivers sa life-saving services.
Ayon sa isang February 25 court document, isang linggo pa ang lumipas bago nagpasya ang Trump administration na i-terminate ang mahigit sa 90% ng U.S. Agency for International Development programmes. Kabilang dito ang marami na unang nasaklaw ng waivers gaya ng trabahong tumutugon sa HIV gayundin ang mas malawak na health programmes. Hindi malinaw kung ang mga proyektong ito ay muling ibabalik.
Kabilang sa makatatanggap ng termination notices ang pangunahing United Nations health programmes, kabilang ang UNAIDS, ang Stop TB Partnership at Scaling Up Nutrition maging ang mga proyektong tumutulong sa milyun-milyong kataong puwersahang napaalis sa kanilang tinitirhan.
Sinabi ni Lucica Ditiu, exec. Director ng Stop TB, “We are hit, but we will continue to be there.’

A health worker stands in a USAID-funded Truenat Site for tuberculosis detection, at the Hossainpur Upazila Health Complex, in Kishoreganj, Bangladesh, February 10, 2025. REUTERS/Piyas Biswas/ File Photo
Aniya, ang grupo ay may iba’t ibang pinagkukunan ng pondo na ginagamit nito sa pagbili ng TB tests at treatments, subalit kaikailanganin na nitong i-terminate ang kanilang mga kontrata sa 140 partners nila sa buong mundo, na ang marami ay nagkakaloob ng mga serbisyo gaya ng pagtulong sa mga pasyenteng may TB na makapagpa-diagnose at magtuloy-tuloy ang gamutan.
Sinabi naman ni Charlotte Slente, secretary general ng Danish Refugee Council, na nabigla siya nang makatanggap ng mahigit sa 20 termination notices para sa mga proyekto sa maraming mga bansa gaya ng Sudan, Yemen at Colombia.
Aniya, “Not only are these terminations egregious breaches of contracts, but they endanger the lives of millions of the world’s most vulnerable people.” At idinagdag pa na tatamaan ng desisyon ang mga taong sapilitang napaalis sa kanilang tinitirhan sa mga conflict zone.
Ayon pa kay Slente, “While it is understood that incoming governments want to review their overseas development assistance, the decisions from the U.S. government over the last month are abrupt and unilateral, and the rationale for these are unfathomable.’
Sinabi ng isang global non-profit na may mga proyekto sa malaria at kalusugan ng mga bagong panganak, na karamihan sa kanilang mga kontrata ay nakansela.
Tinamaan din ang mas maliliit na mga organisasyon, gaya ng Khana sa Cambodia, isang TB and HIV organisation, at marami pang mga organisasyon na nag-aasikaso ng HIV at AIDS sa South Africa.

Scientific officer Maryam Karaan works in the research lab at the University of Cape Town’s Institute of Infectious Disease and Molecular Medicine, in Cape Town, South Africa February 17, 2025. REUTERS/Esa Alexander/File Photo
Sa kanila namang website ay tinawag ng UNAIDS na ang terminasyon ng kanilang relasyon sa USAID na isang “serious development” na makaaapekto sa lifesaving services, at sinabi pang humingi ito sa U.S. government ng dagdag pang impormasyon.
Hindi tumugon ang State Department sa tanong kung bakit tinerminate ang life-saving aid programs.
Para sa ilang grupo, ang USAID ang pinagmumulan ng malaking bulto ng kanilang pondo, kaya mahihirapan na silang maka-survive, habang para sa iba, isa lamang ito sa marami nilang donors.
Banggit ang pangmundong terminasyon, sinabi ni International AIDS Society President Beatriz Grinsztejn, “The U.S. funding cuts are dismantling the system. HIV treatment is crumbling. TB services are collapsing.”
sa South Africa, na mayroong pinakamalaking bilang ng mga taong nabubuhay nang may HIV na humigit-kumulang ay walong milyon, sinabi ng health experts na ang terminasyon ay maaaring maging sanhi upang bumagal nang husto ang progreso para sa nasabing epidemic.
Sinabi ni Linda-Gail Bekker, chief operating officer ng Desmond Tutu HIV Foundation, na nakikipagtulungan sa maraming mga organisasyong naapektuhan, “We will see lives lost. We are going to see this epidemic walk back as a result of this.”
Ang Estados Unidos ang nagkakaloob ng nasa 17% ng HIV/AIDS budget ng South Africa, at sinabi ng health experts na ang pondo ay mahalaga para sa testing at pagsasailalim sa mga bagong pasyente sa gamutan.
Ayon kay Francois Venter, executive director ng Ezintsha Research Centre sa Johannesburg, na hindi pinopondohan ng USAID, na tinawag ang hakbang na isang “devastating blow” para sa HIV response ng South Africa, “The programmes who received their termination letters this morning were among the most efficient, effective health delivery programmes in the country.”
Ang Nonprofit Humanity & Inclusion ay mayroong mahigit sa 30 mga kontrata sa U.S. government para magkaloob ng mga serbiyo sa daang libong mga tao na may disabilities sa maraming mga bansa.
Sa nakalipas na 36 na oras, ang organisasyon ay nakatanggap ng pasabi na nasa kalahati ng nasabing mga kontrata ay nakansela, ayon sa U.S. executive director na si Hannah Guedenet.
Aniya, “If you want to cut funding, there’s a way to responsibly do that. And that is not what’s being done. This is complete disregard for human life.”