Davao City Mayor Baste Duterte naghain ng hiwalay na habeas corpus petition sa SC

0
Davao City Mayor Baste Duterte naghain ng hiwalay na habeas corpus petition sa SC

Dumulog din sa Korte Suprema si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte, para mapabalik ng bansa ang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa mahigit 30-pahinang petition for habeas corpus, hiniling ng alkalde sa Supreme Court na ipag-utos sa mga respondent sa petisyon na palayain, dalhin, at iharap sa Korte Suprema ang dating pangulo.

Nanindigan si Mayor Baste na iligal ang pagdakip at pagditene ng mga awtoridad sa kaniyang ama, dahil ang arrest warrant ay inisyu ng ICC na walang hurisdiksyon sa Pilipinas.

Bukod dito, pinagkaitan din aniya ang kaniyang ama ng sapat at kinakailangang pangangalagang medikal at visitation rights at pinuwersa na bumiyahe.

Ayon pa sa mayor, direktang pag-atake sa soberenya at pakikialam ng mga dayuhan sa judicial system ng bansa ang nangyari.

Samantala, nanindigan ang Department of Justice (DOJ) na mahigpit na sinunod ng mga awtoridad ang mga lokal na panuntunan at international protocols sa pag-aresto sa dating pangulo.

Iginiit ni DOJ Spokesperson Mico Clavano, na isinagawa ang pag-aresto sa mapayapa at maayos na paraan at walang insidente ng resistance o kaguluhan sa buong proseso.

DOJ Spokesperson Mico Clavano

Paliwanag pa ni Clavano, kahit wala na sa ICC ang Pilipinas ay member state pa rin ang bansa ng INTERPOL.

May obligasyon din aniya ang bansa alinsunod Philippines Crimes Against Humanity law, na isuko sa alinmang international courts ang mga akusado sa mga krimen na pinaparusahan sa ilalim ng nasabing batas.

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *