Oplan Baklas para sa pagtatanggal ng election campaign materials isinagawa ng Comelec

Courtesy: PIO MMDA
Ikinasa ng Commission on Elections (Comelec) ang “Oplan Baklas” o pagtatanggal ng election campaign materials na hindi sumusunod sa mga itinakdang pamantayan ng komisyon sa Pateros City.

Katuwang ang PNP at MMDA, binaklas ang election campaign materials na may maling sukat at hindi nakapaskil sa Comelec-designated at common poster areas.
Karamihan sa mga tinanggal ay tarpaulins, posters, at iba pang election paraphernalia na nakasabit sa matataas na poste, puno, at kawad ng kuryente.

Ang mga lugar na sinuyod ng grupo ay ang kahabaan ng T. Sulit St., G. De Borja St., Almeda St. N/S Bound, C. Almeda St., at maging sa P. Herera St., at B. Morcilla St., sa Pateros City.
Manny De luna