Ilang biktima ng human trafficking patungo sa ibang bansa idinaraan sa Sulu

Courtesy: BI
Naalarma ang Bureau of Immigration (BI) sa modus ngayon ng mga sidikato ng human trafficking, na sa backdoor naman idinaraan ang kanilang mga biktima para pagtrabahuin sa mala-POGOng kumpanya sa ibang bansa.
Nabuking ito matapos maibalik sa bansa ang tatlong Pinoy na biktima.
Wala silang opisyal na record ng pag-alis sa Pilipinas, dahil pinasakay umano ang mga ito sa maliit na bangka mula sa Jolo, Sulu patungong Sabah, Malaysa.
Pagdating sa Sabah, tinatakan umano ang kanilang passports ng pekeng Philippine Departure stamp bago bumiyahe by land sa Kula Lumpur.
Mula doon lumipad naman sila patungong Bangkok, Thailand patungo sa fina destination nila sa Cambodia.
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, napag-alaman nila na na-recruit ang nasabing mga Pinoy ng kapwa nila Pilipino sa Facebook, para magtrabaho bilang customer service representative sa Cambodia, na may suweldong US$1,000.
Pagdating sa Cambodia, pinagtrabaho umano sila bilang “Love Scammers,” pero tumanggap lang ng US$300 na suweldo.

Courtesy: BI
Sumbong nila, nakaranas umano sila ng pananakit mula sa Chinese employer, kinumpiska ang kanilang cellphone saka sila inabandona sa isang hindi pamilyar na lokasyon.
Nakahingi umano sila ng tulong sa Philippine Embassy kaya nakabalik sa Pilipinas.
Madelyn Moratillo