Pito patay sa pagbagsak ng isang eroplano sa Honduras makaraang mag-takaoff

Rescue teams work on rescuing victims of a plane crash near the International Airport of Roatan, in Roatan Island in this pictured obtained in March 17, 2025. Armed Forces of Honduras/Handout via REUTERS
Isang eroplano ang bumagsak sa baybayin ng Caribbean sa Honduras, ilang minuto makaraang mag-take off mula sa Roatan Island, na ikinamatay ng pito katao, habang sampung iba pa ang nailabas nang buhay mula sa wreackage.
Ang Jetstream aircraft na ino-operate ng Honduran airline na Lanhsa, ay may lulang 14 na mga pasahero at tatlong crews, ayon sa transport minister ng bansa, na nagsabing ang wreckage ay natagpuan may isang kilometro sa baybayin ng isla.

Rescue operations in the aftermath of a plane crash in the surroundings of Roatan Island, Honduras, in this pictured obtained on March 17, 2025. National Police of Honduras/Handout via REUTERS
Ayon sa flight manifest na ipinakita ng local media, kabilang sa mga pasahero ay isang US national, isang French national at dalawang menor-de-edad. Ang eroplano ay patungo sana sa La Ceiba airport sa Honduran mainland.
Kinumpirma ni Roatan fire captain Franklin Borjas ang bilang ng mga namatay.
Sinabi ng mga opisyal, na ang kilalang Garifuna musician na si Aurelio Martinez Suazo ay kasama sa mga namatay.

Rescue operations underway in the aftermath of a plane crash in location given as Roatan, Bay Islands, Honduras in this screengrab from a handout video, date given as March 17, 2025. Policia Nacional de Honduras/Handout via REUTERS
Ang sanhi ng pagbagsak ng eroplano ay hindi pa malinaw at hindi rin agad tumugon ang airline sa kahilingan na magkomento.
Sinabi ni Borjas sa Reuters, na ang mga nakaligtas ay dinala sa kalapit na ospital, habang kinumpirma rin na nangyari ang pagbagsak ilang minuto lamang pagkatapos mag-take off ng eroplano mula sa isla.

Rescue operations underway in the aftermath of a plane crash in location given as Roatan, Bay Islands, Honduras in this screengrab from a handout video, date given as March 17, 2025. Policia Nacional de Honduras/Handout via REUTERS
Ang Roatan, ang pinakamalaking sa Bay Islands sa Honduran coast, ay isang sikat na tourist attraction at popular dahil sa kanilang vibrant coral reefs.
Ayon kay Borjas, “It’s been difficult to access the accident (site) because there are 30 meters (98 ft) of rocks and you can’t get there while walking or swimming. The divers helping with the rescue have zero visibility.”