Rescue efforts pagkatapos ng lindol sa Myanmar nagpapatuloy, senyales na may buhay pa sa gumuhong skyscraper sa Bangkok, na-detect

Rescue personnel work at the site of a building that collapsed, following a strong earthquake, in Bangkok, Thailand, March 30, 2025. REUTERS/Athit Perawongmetha
Naka-detect ng senyales na may buhay pa sa mga guho ng isang bumagsak na skyscraper sa Bangkok, habang nagpapatuloy ang pinaigting na paghahanap sa mga taong na-trap, tatlong araw makaraang mangyari ang malakas na lindol sa Southeast Asia, na ikinamatay ng hindi bababa sa dalawanglibong katao.
Sinabi ng Deputy Governor ng Bangkok na si Tavida Kamolvej, na idineploy na ang scanning machines at sniffer dogs sa gumuhong skyscraper na hindi pa tapos itayo, at nagkukumahog na rin ang rescuers na mag-isip ng paraan kung paano maa-access ang lugar kung saan may na-detect na senyales na may buhay pa.
Aniya, makalipas kasi ng 72-oras ay maaaring mawala na ang tyansang may maligtas pa, kaya kailangan nilang magmadali at hindi hihinto kahit lumamlas na ang 72-oras.

Rescuers work at the site of a damaged building, in the aftermath of a strong earthquake, in Mandalay, Myanmar, March 30, 2025. REUTERS/Stringer
Sa central Myanmar, apat katao ang nailigtas ng rescuers, kabilang ang isang buntis at isang batang babae, mula sa gumuhong gusali sa siyudad ng Mandalay, malapit sa sentro ng 7.7-magnitude na lindol noong Biyernes, ayon sa Xinhua news agency ng China.
Sinabi ni Arnaud de Baecque, resident representative ng International Committee of the Red Cross sa Myanmar, “Access to all victims is an issue … given the conflict situation. There are a lot of security issues to access some areas across the front lines in particular.”
Kuwento ng isang survivor sa Mandalay, matapos siyang makuha ng rescue workers mula sa gumuho niyang restaurant, umupa siya ng bulldozer mula sa sarili niyang pera upang hanapin ang isa sa kaniyang mga trabahador at gawing ligtas ang gusali para sa kaniyang mag kapitbahay.

A person operates machinery following a strong earthquake, in Mandalay, Myanmar, March 31, 2025. REUTERS/Stringer
Ayon sa isang grupo ng mga rebelde, ang ruling military ng Myanmar ay nagsasagawa pa rin ng airstrike sa mga village pagkatapos ng lindol, kaya nanawagan ang foreign minister ng Singapore para sa isang kagyat na tigil-putukan upang makatulong sa relief efforts.
Sa Myanmar, iniulat ng state media na ang bilang ng mga namatay ay umabot na sa 2,065 at mahigit sa 3,900 ang nasaktan, habang higit sa 270 ang nawawala.
Nagdeklara naman ang military government ng isang linggong pagluluksa na nagsimula nitong Lunes, March 31.

View of a collapsed building, in the aftermath of a strong earthquake, in Mandalay, Myanmar, March 31, 2025. REUTERS/Stringe
Banggit ang junta, iniulat ng Wall Street Journal, na ang bilang ng mga namatay ay umabot na sa 2,028 sa Myanmar, habang ayon naman sa opposition National Unity Government, na kinabibilangan ng mga natira sa gobyernong napatalsik noong 2021, na hanggang nitong Lunes ay 2,418 na ang namatay. Sinabi ng Chinese state media na tatlong Chinese nationals ang kasama sa mga namatay.
Hindi naman agad makumpirma ng Reuters ang mga bagong bilang ng namatay. Naging mahigpit na ang media access sa Myanmar mula nang maluklok sa puwesto ang junta. Nagbabala si junta chief General Min Aung Hlaing nitong weekend na ang bilang ng mga namatay ay maaaring tumaas pa.
Samantala, umapela ang opoisisyon sa mga bansa na direktang dalhin ang ayuda sa mga biktima ng lindol, sa pagsasabing may panganib na harangin o i-divert ng junta ang humanitarian assistance.

A building that collapsed is pictured following a strong earthquake, in Mandalay, Myanmar, March 31, 2025. REUTERS/Stringer
Sa isang pahayag ay sinabi ng National Unity Government, “We are in a race against time to save lives. Any obstruction to these efforts will have devastating consequences.”
Hindi naman agad makunan ng komento ang tagapagsalita para sa junta.
Ang China, India at Thailand ay kabilang sa kapitbahay ng Myanmar na nagpadala na ng relief materials at teams, kasama ng mga ayuda at tauhan mula sa Malaysia, Singapore at Russia.
Ayon kay Yue Xin, pinuno ng China Search and Rescue Team na siyang kumuha sa mga tao mula sa guho sa Mandalay, “It doesn’t matter how long we work. The most important thing is that we can bring hope to the local people.”

Chinese rescue personnel operate following a strong earthquake, in Mandalay, Myanmar, March 31, 2025. REUTERS/Stringer
Minamadali na rin ng United Nations na makapagdala ng relief supplies sa mga nakaligtas sa central Myanmar.
Sinabi ni Noriko Takagi, U.N. refugee agency representative sa Myanmar, “Our teams in Mandalay are joining efforts to scale up the humanitarian response despite going through the trauma themselves.”
Nangako ang Estados Unidos ng $2 million halaga ng ayuda, “through Myanmar-based humanitarian assistance organizations.” Sinabi nito sa isang pahayag na ang emergency response team mula USAID ay magdedeploy sa Myanmar.

Buildings lie in ruins after a strong earthquake, in Amarapura, Myanmar, March 31, 2025. REUTERS/Stringer
Ayon kay U.N. Special Envoy on Myanmar Julie Bishop, “The earthquake has laid bare the deeper vulnerabilities facing Myanmar’s people and underscored the need for sustained international attention to the broader crisis,” at nanawagan ng access sa lahat ng lugar para sa aid groups habang kinondena naman ang patuloy na military operations doon.
Ang mahahalagang imprastraktura gaya ng mga tulay, lansangan, paliparan at riles ng tren sa magkabilang panig ng bansa ay nasira kaya naging mabagal ang humanitarian efforts, habang ang hidwaan ay pumilay naman sa ekonomiya, naging sanhi ng displacement ng mahigit 3.5 nilyong katao, maging sa health system.