Suporta sa irrigator at magsasaka sa bansa, tiniyak ni House Speaker Romualdez

House Speaker Ferdinand Romualdez
Tiniyak ni House Speaker Ferdinand Romualdez ang buong suporta para matugunan ang matagal ng problema ng mga irrigator at magsasaka sa bansa.
Ito ang inihayag ni Romualdez sa ginawang 2025 Nationwide National Irrigation Administration-Irrigators Association sa Batangas, upang mapalakas ang produksyon ng agrikultura at masiguro ang seguridad sa pagkain.
Nagpasalamat naman ang mga magsasaka at mga tagapagpatubig sa patuloy na suporta ng liderato ng Kamara sa mga mahahalagang programa ng patubig, kabilang na ang solar-powered pump irrigation projects (SPIPs).
Ang pagtatayo ng mga SPIP ay bahagi ng plano ng administrasyong Marcos na pagbutihin pa ang sistema ng patubig sa bansa at palakasin ang sektor ng agrikultura.
Ayon sa mga magsasaka malaki ang naitulong nito sa pagbuti ng kanilang kabuhayan.
Si NIA Administrator Eduardo Guillen, nagpasalamat naman kay Romualdez sa suporta katunayan ang pagtutol nitong mabawasan ang kanilang pondo ngayong taon.
Madelyn Villar-Moratillo