Senado, hindi na magpapatawag ng ikalawang hearing sa Lascañas testimony

 

Wala nang balak na magpatawag ng ikalawang hearing ang Senado para himayin ang mga elagasyon ni SPO3 Arturo Lascañas.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, ito na ang una at huling pagharap ni Lascanas sa Senado.

Hindi  rin aniya sila nakumbinse sa mga alegasyon nito at wala silang nakitang provative value o walang saysay ang ginawang pagbaligtad ni Lascanas.

Ipapaubaya na nila sa Commission on Human Rights at PNP ang pag-iimbestiga sa kaso at kung kakasuhan si Lascanas sa ginawa nitong mga pagpatay.

Isa sa nakikitang solusyon  ngayon ng Senado ay ang pagbalangkas ng panukala na magpapataw ng mas mabigat na parusa sa kasong Perjury para hindi na maulit ang ginawa ni Lascañas.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *