New version ng Oplan Tokhang hindi hahayaang mapasok ng mga tiwaling pulis

Hindi maaring pumalpak ang panibagong bersiyon ng “Oplan Tokhang” sa muling pagbabalik ng mga tauhan ng Philippine National Police sa kampanya laban sa illegal drugs.

Sa panayam ng Saganang Mamamayan sinabi ni NCRPO Chief Superintendent Oscar Albayalde ,sandaling magsagawa sila ng operasyon ay hihingin din nila ang tulong ng mga Barangay Captain , at kukuha rin sila ng suporta mula sa mga miyembro ng religious sector.

Bukod dito , mahigpit rin ang bilin sa hanay ng mga pulis na dapat laging i-coordinate sa PDEA ang buy bust operation maging ang pagsisilbi ng search warrant kaya hindi nila hahayaang mapasok ng mga tiwaling pulis ang bagong unit na bubuuin.

“Mahigpit nating babantayan yan at one way of checking and balance ng mga operations natin is to the report na ibibigay natin sa pdea this is one way of checking nga kung totoo yung report at operation at tama ang ideneclare na ebidensya ng mga operating units natin sa baba”. – NCRPO Chief Superintendent  Albayalde

Ang PNP- Drug Enforcement Group o PDEG ang papalit sa binuwag na Anti-Illegal Drugs Group (AIDG) na bubuuin ng mga bagong opisyal.

Matatandaang binuwag ang AIDG matapos na masangkot ang mga miyembro nito sa pagdukot at pagpatay sa Koreanong negosyante na si Jee Ick Joo na kapwa inimbestigahan ng PNP at National Bureau of Investigation.

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *