Kumpirmasyon ni Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay posibleng maibasura
Namimiligrong hindi lumusot sa makapangyarihang Commission on Appointments si Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay.
Ayon kay Senate Majority Leader Vicente Sotto, bunsod ito ng ginawa niyang pagsisinungaling na hindi siya naging citizen ng Estados Unidos gayong nagkaroon pala siya ng US passport.
Sinabi rin ni Senate President Aquilino Pimentel na mabigat ang ginawang pagsisinungaling ni Yasay pero bibigyan pa ito ng tyansa na magpaliwanag bukas.
Hindi niya maintidihan kung bakit ito nag-aplay ng US citizenship at tila siya mismo ang na disqualify sa kaniyang sarili.
Bukas inaasahang isasalang ang kumpirmasyon ni Yasay at mangangailangan ito ng labintatlong suporta mula sa Senate at House panel bago tuluyang makalusot.
Ulat ni : Mean Corvera