Revamp sa PNP, posibleng ipatupad na anumang araw
Nakatakda nang gumulong ang balasahan sa Philippine National Police anumang araw mula ngayon.
Ito’y dahil magreretiro na ngayong araw si Deputy Chief for Administration Deputy Dir. Gen. Francisco Uyami, ang ikalawang pinakamataas na opisyal sa PNP sunod kay PNP Chief. Dir. Gen. Ronald Bato Dela Rosa.
Sa Lunes inaasahang i-aanunsyo na ni Dela Rosa ang mga pagbabago sa command group ng PNP.
Ayon kay PNP Spokesman Senior Supt. Dionardo Carlos, aakyat sa ikalawang puwesto si Deputy Dir. Gen. Ramon Apolinario at magiging third man o Deputy for Operations si Deputy Dir. Gen. Fernando Mendez.
Dahil dito, mababakante ang ika-apat na pinakamataas na puwesto sa PNP ang the Chief Directorial Staff.
Kandidato sa naturang posisyon ang mga mistah o kaklase ni General Bato na sina Dir. Archie Gamboa na hepe ng Directorate for Comptrollership at Dir. Ramon Purugganan na nasa Directorate for Personnel Records and Management.