12% VAT dapat alisin na – Speaker Alvarez
Para kay House Speaker Pantaleon Alvarez dapat nang alisin ang 12% value added tax o VAT na ipinapataw sa mga bilihin at serbisyo.
Giit ni Alvarez sa halip ay dapat palitan na ng ibang sistema ang VAT.
Paliwanag ng House Speaker, dahil sa leakage sa koleksyon ay malaki ang nawawalang kita ng gobyerno.
Ang leakage ay nangyayari aniya sa input VAT, dahilan para pumalo lamang sa 4.3% ang collection rate ng gobyerno sa VAT kada taon.
Giit pa ni Alvarez, nagagawa ng mga negosyante na makipag kutsaba sa taga BIR para dayain ang resibo.
Sinabi ng Speaker na kung ayaw namang tanggalin ang VAT, mas mabuting isapribado ang koleksiyon nito.
Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo