Video message ni VP Robredo hindi makakabuti sa imahe ng bansa
Hindi makakabuti sa imahe ng bansa ang ginawang pagpapalabas ni Vice President Leni Robredo ng video messages sa isang forum ng United Nations.
Sa panayam ng Liwanagin Natin, sinabi ni dating Presidential Spokesperson Gary Olivar na ngayon ay miyembro ng Republic Dependers , may betrayal of public trust sa hakbang ni Robredo sa pagbatikos sa programa ng administrasyong Duterte kontra illegal na droga .
“Wala namang ebidensyang ipinapakita hindi pa colaborated at sinisiraan po yung Philippine National Police ..na she could be their commander in chief at any moment dahil kasi bilang Vice President… ei ito pong ganitong mga charges na dadalhin niya sa international forum sa harap ng United Nation ito po ay talagang very objectionable hindi niya dapat ginawa”. – Olivar
Aniya hindi maiaalis na maghinala sa naturang hakbang ni robredo sa harap ng UN at ang sunod sunod na hakbang na ginagawa ng oposisyon na tila mga hakbang para magpabagsak si Pangulong Duterte.
Hindi na aniya kataka taka kung masusundan pa ang mga naturang hakbang para patuloy na batikusin ang kasalukuyang administrasyon.
“Its difficult to believe na walang orchestration , walang direksyon , walang koordinasyon ang mga pangyayari nito thats very difficult to believe lalong lalo na at nagpapakita na ng pwersa ang oposisyon against the president”. – Olivar