Dalawang Korean swindler, ipapadeport na ng BID
Nakatakdang ipadeport ng Bureau of Immigration ang dalawang Korean swindlers na wanted sa Seoul, South Korea.
Tinukoy ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang mga naarestong Koreano na sina Lim Chae Beom, sisentay-tres anyos, at Son Dae Hyon, kwarentay singko anyos.
Ang dalawa ay nahaharap sa kasong large-scale fraud matapos tangayin ng mga ito ang nasa 238 million won o 210,000 dollars mula Nobyembre 2013 hanggang Pebrero 2014.
Humingi ng tulong ang Korean Embassy sa BI para maaresto ang mga pugante.
Dinakip ang dalawa noong nakalipas na linggo sa magkahiwalay na lugar sa Kawit, Cavite at Cabanatuan City, Nueva Ecija.
Ulat ni: Moira Encina